Posted November 26, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Kinilala ang naarestong si Mark Taborda, 37-anyos at
residente ng Brgy. Bulwang, Numancia Aklan.
Inaresto ito kaninang hapon sa Sitio. Manggayad Brgy.
Balabag, Malay, Aklan sa bisa ng warrant of arrest sa kasong paglabag sa section
1 & 15, article II of the Republic Act no. 9165 o paggamit ng ipinagbabawal
na droga.
Matapos itong mahuli ay agad namang ipinaabot sa naaresto
ang kanyang mga kahaharaping kaso bago ito dinala sa Boracay Hospital para sa
isang medical check-up.
Sa ngayon pansamantala itong nasa kustudiya ng Boracay
PNP at inaasahang dadalhin sa bayan ng Kalibo bukas para sa karampatang
disposisyon.
No comments:
Post a Comment