Posted October 11, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Palaisipan parin ngayon sa mga pulis ang reklamo ng
isang turista sa Boracay na nabiktima umano ng snatcher nitong nakaraang araw.
Ayon kasi sa Boracay PNP, tila kaduda-duda ang
report sa kanila ng isang Netherland National na nawalan umano ng pera,
cellphone at ATM Card habang naglalakad sa beach.
Base sa sumbong ng 27 anyos na turista, bigla na
lamang umanong tumakbo patungong station 1 ang hindi nakilalang suspek matapos
nitong agawin ang kanyang bag.
Kuwento pa ng turista sumigaw ito at nagpasaklolo
sa kanyang mga kasamang naliligo sa beach nguni’t hindi na naabutan ang
salarin.
Samantala, nagkakasalungat naman ang kanyang
sumbong at imbistigasyon ng mga pulis, dahil ayon sa imbistigador na si PO2
Reynandthur Prado ng Boracay PNP, may mga pulis na naka-duty sa itinuturo
nitong lugar at oras.
Ayon pa kay Prado, hindi na bumalik pa ang turista
upang i-follow up ang kanyang mga nawawalang gamit, matapos itong makahingi ng
incident report sa presento.
Nabatid na may mga nagpapa-blotter lamang sa
presento ng Boracay Police kahit hindi totoo, para lamang sa insurance ng
nawawalang gamit.
No comments:
Post a Comment