YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, October 08, 2014

Lalaki sa Boracay, kalaboso matapos hipuan ang isang babaeng Singaporean National

Posted October 8, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Kalaboso ang lalaki sa Boracay matapos hipuan ang isang babaeng Singaporean National sa station 3 nitong hapon.

Ayon sa Boracay PNP, pursigidong magsampa ng kaso ang biktimang turista matapos umano itong hipuan ng lalaki.

Ayon sa report, nagbabasa ng magazine ang biktima nang nilapitan ito ng lalaki at tinanong kung pwede rin makisalo sa pagbabasa ng magazine.

Pumayag naman umano ang babae subali’t nagulat na lamang ito nang hipuin ng lalaki ang dibdib ng turista, bagay na nagreklamo ito at nagpasaklolo sa mga pulis.

Samantala, sinabi umano ng suspek na ok lang sa kanya ang makulong basta mahipuan lamang ang nasabing turista.

No comments:

Post a Comment