Posted October 11, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Maglalagay ng Closed-circuit television (CCTV)
cameras ang Kalibo Police Station sa bayan ng Kalibo.
Ito ang kinumpirma ni Kalibo Chief of Police Chief
Inspector Pedro Enriquez, kung saan ilalagay umano ito bago pa man ang Ati-Atihan
salvo sa Oktubre 24.
Anya, hinikayat na rin umano nila maging ang lahat
ng negosyo sa bayan na maglagay ng CCTV sa kani-kanilang establisimiyento upang
makatulong sa pagsugpo ng krimen.
Ayon kay Enriquez, magmimistulang bantay ang mga
CCTV laban sa mga magnanakaw at iba pang gustong gumagawa ng hindi kanais-nais
kung kaya pabor din sa mga negosyante ang nasabing hakbang.
Kaugnay nito, nagpaabot din ng suporta si Kalibo
Mayor William Lachica sa plano ng
pulisya, para sa mas mabisang pag-momonitor at koordinasyon ng mga kaganapan.
Samantala, dagdag pa ni Enriquez na bukod sa
makatutulong umano ang mga CCTV sa pagbibigay ng real-time na sitwasyon sa
bayan, mapapalakas din nito ang kakayahan ng gobyernong rumesponde sa mga
emergency.
Gayundin, ang mga video at imaheng nakaka-capture umano
ng isang CCTV ay maaaring magamit para sa mas mabisang pagpapatupad ng batas at
sa paghahanda sa mga kalamidad.
No comments:
Post a Comment