YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, October 08, 2014

Babaeng turista, muntik nang magahasa sa Boracay

Posted October 8, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Patuloy paring iniimbistigahan ng mga taga Boracay PNP ang isang kaso ng attempted rape sa isang turista sa isla.

Ayon sa mga taga Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Boracay PNP.

Nangyari ang tangkang panggagahasa sa babae sa station 2 Boracay dakung alas kuwatro ng madaling araw nitong Huwebes habang naliligo ito sa beach.

Nilapitan umano ito ng isang lalaki at nagpakilala, subali’t nagulat na lamang ito nang bigla siyang hilahin ng lalaki sa dagat at tinangkang gahasain.

Mabuti na lamang at nakatakas ang turista upang magsumbong sa mga pulis.

Samantala, sinabi naman ng WCPD na malaking tulong sa kanilang patuloy na imbistigasyon ang CCTV sa lugar para sa ikadarakip ng suspek.

No comments:

Post a Comment