Posted October 7, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Simula nang e-turnover ang 20 na mga Bicycle Patrol
sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) nitong nakaraang taon ay hindi pa
ito nadadagdagan.
Ayon kay PO1 Shirley Berbosa na syang nangangasiwa
sa mga gamit ng BTAC, mula sa 20 ay 18 na lang umano dito ang gumagana.
Anya, ginagamit ang siyam rito sa pagpapatrolya
habang ang siyam naman ang nasa istasyon ng BTAC para sa service at maaaring
gamitin sa responde.
Samantala, nabatid na ang bicycle patrol ay isa mga
programa ng BTAC na syang iikot sa buong isla ng Boracay para sa tinatawag na
public awareness, kung saan sumailalim pa sa “bicycle training” ang mga pulis
sa Boracay sa Camp Delgado sa syudad ng Iloilo.
Layunin din umano nito na mapamabilis at mapalawak
ang kanilang pagpapatrolya laban sa anumang karahasan at krimen na maaaring
maganap sa Boracay.
No comments:
Post a Comment