Posted October 11, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Ayon sa report ng Boracay PNP, kumuha pa ng resulta ng
kanyang medical test sa isang klinika ang 58 anyos na biktimang si Oleg
Pilipenko.
Subali’t nabatid na pumunta pala muna ito sa isang bar kahapon
ng tanghali at uminom ng beer bago umuwi.
Samantala, nakaramdam umano ng hirap sa paghinga ang biktima
habang paakyat sa hagdanan ng kanilang bahay, bagay na tumawag ng doktor ang
kanyang asawa.
Binigyan pa ng CPR ni Dr. Maria Alexandra Villapol ang
biktima subali’t binawian parin ito ng buhay dahil sa hypertension.
Nabatid na nagmamay-ari ng isang villa unit sa isang
hotel sa Barangay Manoc-manoc ang biktima.
No comments:
Post a Comment