Posted October 8, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Sugatan din ang driver nito at isa pang sakay.
Ayon kay SPO4 Wenceslao Swela ng Nabas PNP Station,
binabaybay ng nasabing motorsiklo ang kahabaan ng nasabing lugar nitong
nakaraang Linggo ng madaling araw nang bumangga sa isang grupo ng mga taong naglalakad
doon.
Dahil sa nawalan ng balanse ay tumilapon ang dalawa
sa mga backrider nito nang matumba ang sinasakyang motorsiklo.
Kinilala ang nasawi na si Christian
Coper, 21 anyos ng Caticlan Malay habang nagpapagaling naman sa Provincial
Hospital ang driver nito na si Jestoni Selo ng Unidos Nabas Aklan.
Ayon sa Nabas PNP, kasalukuyan paring nasa kanilang
himpilan ang motorsiklo habang patuloy pang iniimbesgahan ang nasabing
insidente.
No comments:
Post a Comment