Posted October 9, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Normal parin ang presyo ng mga bulaklak sa ilang
pamilihan sa probinsya ng Aklan habang papalapit ang Undas.
Ito ang sinabi ng Department of Trade and Industry
(DTI) Aklan, kung saan wala pa umanong nangyayaring pag-galaw sa presyo ng mga
bulaklak lalo na sa isla ng Boracay.
Kinumpirma din ng DTI na batay ito sa price monitoring
ng ahensya alinsunod na rin sa nakatakdang paggunita sa Araw ng mga Patay para
sa buwan ng Nobyembre.
Samantala, kulang-kulang isang buwan pa bago ang
araw ng mga patay pero ngayon ay maging ang presyo ng kandila ay tinututukan na
rin umano ng monitoring team ng DTI.
No comments:
Post a Comment