Posted October 11, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Kinumpirma ng Kalibo International Airport (KIA)
Development Project Management na nasa P945.9 million ang nakalaang pondo para
sa pag-ugrade ng nasabing paliparan.
Sa ipinadalang ulat ni KIA-DOTC Project Manager Arturo
Balderas sa Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan, P32. 50 million dito ay syang
pondo na nakalaan para sa Runway Extension.
Anya, dahil sa nalalapit na Asia Pacific Economic
Cooperation (APEC) conference, P150 million galing sa CY 2014 DOTC budget para KIA
expansion at P237.55 million naman ang galing sa DOTC CY 2014 regular budget
ang idinagdag pa umano rito.
Sa kabilang dako, matatandaan sa ipinasang
Resolution No 147, ang pagkukumpirma sa pagbili ng lupa sa KIA upang gamitin
para sa nasabing expansion.
Nakasaad rito ang paggamit ng pondo sa pambili ng
lupa, parking area at daanan ng mga eroplano, parking area sa mga behikulo at
pagpapa-ayos at pagpapalapad sa terminal building.
Samantala, ang pag-upgrade umano ng KIA ay
pamantayan ng pagpapabuti nito at kasama sa mga prayoridad na proyekto ng
pambansang pamahalaan.
No comments:
Post a Comment