Posted October 8, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ayon sa biktimang si Mahammad Ahamd Alloush, iniwan
nito ang kanyang bag sa baybayin ng isla at naligo, subali’t nang pagbalik na
umano nito ay nagkalat na ang laman ng kanyang bag.
Nang suriin ng biktima ang kanyang mga gamit ay
saka nalaman na nawawala na ang kanyang dalawang iphone 5s na cellphone, 4,000
pesos na pera, at visa card.
Paniwala umano ng biktima na tinangay ng kawatan
ang kanyang pera at mga gamit habang ito ay naliligo.
Samantala, iniimbestigahan na ngayon ng Boracay PNP
ang nasabing insidente.
No comments:
Post a Comment