YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, October 08, 2014

Irrigation Management Program para sa Aklan, pinag-usapan sa SP Session

Posted October 8, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Iniindorso ngayon sa Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan ang isang Irrigation Management Program.

Sa ginanap na 35th SP Regular Session kaninang umaga, tinalakay ang endorsement letter na ipinadala ni Division Manager Engr. Rizalo Conception ng Irrigation Management Office.

Nakasaad rito ang pag-adopt at aproba ng System Management Committee (SMO) sa Resolution No. 01, Series of 2014 on the policies of Aklan League of Federation of Irrigator’s Association, Inc. (ALFIA).

Nabatid na ang nasabing programa ay para sa mabilis at pagkakaroon ng magandang irrigation systems sa probinsya ng Aklan.

Gayunpaman, bagamat pinag-uusapan na ay isinangguni muna ito ng konseho sa komitiba ng Agriculture at Environment.

No comments:

Post a Comment