Posted October 11, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Pinangunahan ng Directorial Staff mula Police Regional
Office 6 ang pagbisita at pag-inspeksyon sa Boracay Tourist Assistance Center nitong
Oktobre 9-10, 2014.
Nagsagawa ang nasabing grupo ng PICE sa BTAC Personnel,
nag-audit sa bawat seksyon at nag-inspeksyon sa Boat Station Post area sa front
beach ng Boracay.
Ayon naman kay Boracay Tourist Assistance Center (BTAC)
Chief PSInspector Mark Evan Salvo, kabilang pa umano sa mga sinuri ay ang kanilang
duty scheme kung ito ba ay nasusunod.
Samantala, dahil sa kadalasang naitatalang record ng BTAC
kaugnay sa Land Dispute sa Boracay pinayuhan umano sila ng mga taga Regional
Office na idiritso nalang ito sa Aklan Police Provincial Office (APPO) para
mabigyan nila ng sapat na atensyon ang ibang kaganapan sa isla.
Sa ngayon mas pinaigting ng Boracay Tourist Assistance
Center ang kanilang operasyon para sa pagbabantay ng seguridad sa buong isla ng
Boracay at upang mapangalagaan ang kaligtasan ng mga turista na kadalang biktima
sa pagnanakaw at iba pang insidente sa isla.
No comments:
Post a Comment