Posted October 7, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Dismayado ang isang turista sa Boracay matapos
mabiktima kagabi ng kawatan sa mismong tinutuluyang resort sa station 1
Balabag.
Ninakaw kasi ng hindi nakilalang suspek ang kanyang
dalawang cellphone at pera.
Ayon sa report ng Borcay PNP, lumabas para
mag-swimming sa beach ang turistang Chinese National.
Subali’t pagbalik sa kanyang kuwarto, wala na ang
kanyang Iphone 4 at Samsung S3 at mahigit dalawang libong pisong pera.
Minarapat naman nitong magsumbong sa pamunuan ng
resort upang i-review ang CCTV at doon nakita ang isang di nakilalang babe na
pumasok sa kanyang kuwarto.
Kaagad ding inimbistigahan ng mga pulis ang
insidente matapos magpa-blotter ng nasabing turista.
No comments:
Post a Comment