Posted October 9, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Maaari nang ipagbawal ang paglalagay ng basement ng mga
establisyemento sa isla ng Boracay
sakaling ito’y maaprobahan sa Sangguniang Bayan ng Malay.
Nagdudulot umano kasi ito ng pagbaha sa tuwing malakas
ang buhos ng ulan kung saan pinapasok ito ng tubig saka naman nila ito
pinu-pump papuntang drainage system na siyang dahilan ng pag-apaw ng tubig.
Sa committee report ni SB Member at Chairman ng Committee
on Laws Rowen Aguirre sa SB Session nitong Martes sinabi nito na kailangan na
itong ipagbawal sa halip na e-regulate.
Matagal na din umano itong napag-usapan sa departemento
ng Zoning at Engineering Office ng Malay kung saan ipinagbabawal na din nila
ang mga gumagawa ng construction ng basement sa Boracay dahil sa ilang
talampakan lang ang huhukayin ay may lumalabas na agad na tubig.
Ayon pa kay Aguirre masyado umanong malakas ang volume ng
tubig na nagmumula sa underground kung saan napag-alaman na ilang malalaking
hotel sa isla ang may basement na karaniwang nilalagyan ng kanilang generator
set.
Samantala, ang nasabing usapin ay itinakda naman sa
second reading sa susunod na session ng Sangguniang Bayan ng Malay.
No comments:
Post a Comment