Posted October 8, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Nagreklamo sa himpilan ng Boracay PNP ang isang
mister matapos na umano’y sinuntok at kinagat ng kanyang ex-wife sa Boracay.
Sumbong ng mister sa BTAC, tumungo ito alas dyes
kagabi sa boarding house ng dati nitong misis sa So. Manggayad Manoc-Manoc
Boracay upang humingi ng sustento para sa kanilang anak.
Subalit, bigla na lamang di umanong nagalit ang
kanyang dating misis at sinuntok sya sa kanyang mukha.
Dagdag pa ng nasabing mister, kinagat din umano ang
kanang braso nito at hinampas pa sya ng bote sa noo.
Samantala, nakatakda namang magharap ang dalawa sa Manoc-manoc
Barangay Justice System.
No comments:
Post a Comment