Posted October 6, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nilooban ng magnanakaw ang inuupahang kwarto ng isang Taiwanese
National sa Sitio. Tulubahan Brgy. Manoc-manoc Boracay kaninang madaling araw.
Kinilala ang biktimang si Guo Jin Chi, 36-anyos at
residente ng Taipei Taiwan habang pansamantalang nanunuluyan sa isla ng
Boracay.
Base sa blotter report ng Boracay PNP nangyari ang
insidente dakong ala-1 ng madaling araw kanina habang mahimbing na natutulog
ang biktima.
Nabatid na bago ito matulog ay nilagay niya ang kanyang
cellphone Sony ZU sa lamesa na nasa loob ng kanyang kwarto.
Nang magising umano ito kanilang alas-7 ng umaga ay dito
na niya namalayan na nawawala na ang kanyang cellphone kasama ang kanyang bag.
Dahil dito agad na ipinagbigy alam ng biktima ang
nangyari sa may-ari ng apartment kung saan agad din nilang pinuntahan ang
nasabing kwarto.
Napag-alaman na binasag ng mga suspek ang bintana sa
banyo ng biktima kung saan nakita din sa labas nito ang kanyang bag habang
tanging cellphone lang ang natangangay mula sa kanya.
Samantala, sa follow-up investigation ng Boracay PNP, ginamit
umano ng mga suspek ang binasag na bintana bilang entrance at exit sa
pagnanakaw.
Ayon naman sa may-ari ng apartment maaari umanong isang
grupo ng mga menor de-edad ang nanloob sa kwarto ng kanilang guest dahil sa
likod umano nito ay parang squatter area at maraming delinkwenteng mga
kabataan.
No comments:
Post a Comment