Posted October 11, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Sa kabila ng inilabas na travel ban ng Chinese Government
sa Pilipinas, pumapanglawa parin ang Chinese Tourist na nagbakasyon sa Boracay
nitong buwan ng Setyembre
Ito ay base sa inilabas na datos ng Provincial Tourism ng
Aklan para sa buwan ng Setyembre ngayong taon.
Nabatid na nitong Setyembre 13 ay nagpalabas ng Travel
Ban ang China dahil sa banta umano ng seguridad sa bansa na ikinakatakot nila
para sa kanilang mga mamamayan.
Bagamat pumapangalawa ang China sa Korea pagdating sa
Tourist arrival sa Boracay, tila malaki ang agwat nito sa nauna na may kabuuang
bilang na 19, 443 habang ang Chinese ay 7, 417 lamang.
Sa kabilang banda pumapangatlo ang Taiwan sa may
pinakamaraming bumibisita sa Boracay ngayong Setyembre na may bilang na 4, 439,
Malaysia 1, 395, Saudi Arabia na 1, 382, Singapore na 11, 194, USA na 1, 125,
Australia na 1, 074, Japan 908 at United Kingdom na may 519.
Samantala, tila dumadaing naman ang ilang restaurants at
mga business establishments sa Boracay dahil sa matumal na kustumer dala na rin
ng mga nagkansilang Chinese Tourist dahil sa nasabing travel advisory.
No comments:
Post a Comment