Posted October 9, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Dead on Arrival sa ospital ang isang motorista
matapos aksidenteng bumangga sa ambulansya kagabi sa Makato, Aklan.
Ayon kay PO1 Kynch Parce ng Makato PNP, nagmamaneho ng motorsiklo papunta sa direksyon ng
Tangalan ang biktimang si Mark Ryan Milloroso, 25 anyos ng Dungon, West,
Numancia, Aklan nang bumangga ito sa isang ambulansya.
Inagaw umano kasi nito ang linya ng ambulansya na
papuntang Kalibo sakay ang isang pasyente.
Resulta, malubhang nasugatan ang biktima habang
nayupi ang uluhan ng ambulansya.
Isinugod naman ng mga rumespondeng pulis Makato ang
biktima sa Aklan Provincial Hospital, subali’t idineklara itong DOA o dead on
arrival.
Samantala, sa kabila ng insidente, tumuloy parin
ang ambulansya sa Kalibo upang ihatid ang sakay na pasyente.
No comments:
Post a Comment