YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, October 08, 2014

Supplemental budget ng LGU Malay para sa mga bagong proyekto inaprobahan na sa Sangguniang Bayan

Posted October 8, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Inaprobahan na sa Sangguniang Bayan ang supplemental budget No. 1 ng LGU Malay para sa Calendar Year (CY) 2014.


Ito ay sa pangunguna ni SB Member at Chairman ng Committee on Laws Rowen Aguirre sa ginanap na SB Session kahapon ng umaga.

Ang nasabing budget ay may kabuuang halaga na P91, 690,075.06 kung saan ito ay ilalaan para sa mga pangunahing imprastraktura sa nasabing bayan.

Kabilang sa proyekto na paglalaanan ng pondo ay ang mga kalsadin sa mainland Malay at Boracay na hindi saklaw ng national road na hawak ng Department of Public Works and High-ways (DPWH).

Popondohan din ng LGU ang mga development projects ng ilang barangay sa Malay pati na ang ibat-ibang programa at serbisyo ng local government.


No comments:

Post a Comment