Posted August 22, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Hindi parin gumagana ang pumping station ng TIEZA o
Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority.
Ayon kasi kay OIC for Municipal Engineer’s Office
Engr. Arnold Solano, kailangan pa talagang linisin ang mga baradong drainage
bago tuluyang paganahin ang pumping station.
Samantala, base naman sa impormasyon, patuloy naman
ang paglilinis ng contractor ng TIEZA na ITP Construction sa mga nasabing drainage
base na rin sa mandato sa kanila na madiliin ang proyekto lalo pa’t panahon
ngayon ng tag-ulan.
Magugunita namang naunsyami ang pagpapagana sa
pumping station dahil sa kakulangan ng piyesa.
No comments:
Post a Comment