Posted August 20, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Reaksyon ito ni Boracay Island Administrator Glenn
Sacapaño tungkol sa paghahanap ng mga turista ng tapunan ng kanilang basura
kapag namamasyal sa beach front.
Ayon kay Sacapaño, nasa 150 na mga garbage bins na
ang inilagay nila sa buong isla, subali’t ayaw naman itong bantayan ng mga
nasabing establisemyento.
Umaapaw lang tuloy ito at mistulang napapabayaan
kung kaya’t nagiging eye sore din sa mata ng ibang turista.
Samantala, sinabi pa ng administrador na may mga
turistang nagtatapon ng basura kung saan-saan.
Subali’t aminado ito na bawal dapat ang pagdadala
ng pagkain o inumin sa dalampasigan subali’t pinagbibigyan na lang ang
kahilingan ng ilang turista.
Samantala, sinabi naman ni Sacapaño na maglalagay
ulit sila ng garbage bins sa long beach pagkatapos ng panahon ng Habagat.
Nabatid na may mga turistang nagrereklamo kung
bakit walang basurahan sa beach front at nagtatanong kung saan napupunta ang
ibinabayad nilang environmental fee.
No comments:
Post a Comment