Posted August 21, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ninakaw kasi ng hindi nakilalang lady boy o bading
ang kanyang Nikon dSLR na camera alas-dyes kagabi.
Kwento ng French national na si Soltani Sofian, 31
anyos, napadaan ito sa Station 1 Balabag Boracay at nawili sa kakapanood sa mga
fire dancers.
Ilang sandali pa ay nabigla na lamang di umano ito
nang biglang hinablot ng isang lady boy o bading ang kanyang camera at saka
itinakbo.
Ayon pa sa biktima, hinabol pa umano nya ito,
subalit hindi na naabutan.
Samantala, nagsasagawa naman ngayon ng follow-up
investigation ang Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) hinggil sa nasabing
insidente.
No comments:
Post a Comment