Posted August 21, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Kampanti umano ngayon si OIC for Municipal Engineer’s
Office Engr.Arnold Solano na hindi na muling babahain ang kalsada ng Boracay
Hospital.
Tinakpan na umano kasi ng mga taga MRF o Materials
Recovery Facilities sa utos ni Boracay Island Administrator Glenn Sacapaño ang
mga tubong naglalabas ng tubig doon sa kalsada.
Ayon pa kay Solano, pitong tubo pala mula sa isang
establisemyento ang natuklasan nilang nakakonekta sa drainage ng nasabing
kalsada.
Samantala, aminado rin si Solano na hindi gumagana
ang drainage sa harap ng ospital kung kaya’t magpapatuloy din umano ang kanilang
pag-inspeksyon doon.
Napag-alamang umaabot hanggang gutter ng kalsada
ang baha sa harap ng ospital sa tuwing maglalabas ng tubig ang nasabing
establisemyento.
No comments:
Post a Comment