Posted August 21, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Tinangka umanong saksakin ng kanyang katrabaho ang isang
lalaki dahil lamang sa tubig sa isang resort sa Boracay kahapon ng hapon.
Base sa report ng Boracay PNP, kinilala ang biktimang si
Alan Undang, 21-anyos ng Hagachac Baybay, Makato, Aklan at presinteng nakatira
sa isla ng Boracay.
Ayon sa biktima nagalit umano ang suspek na kinilalang si
Raymond Cabucana ng Sitio. Ambulong Brgy. Manoc-manoc Boracay ng tanungin nito
kung inimom niya ang kanyang tubig.
Ngunit agad umanong nagalit ang suspek kung saan isang
mainit-init na argumento ang namagitan sa kanilang dalawa.
Sinabi pa ng biktima na tinangka umano siyang hampasin ng
rolling pin ng suspek pero agad din itong naawat ng iba nilang kasamahan sa
trabaho.
Lumabas din sa embistigasyon ng pulisya na nagtamo ng
sugat sa kaliwang kamay ang biktima matapos niyang harangin ang tangkang
pananaksak sa kanya ng supek.
Samantala, mas minabuti ng Boracay PNP na idulog sa Brgy.
Justice System ang nasabing insidente.
No comments:
Post a Comment