Posted August 22, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Nagreklamo ng physical injury ang isang lalaki sa
Boracay PNP Station, matapos na umano’y hinampas ito ng bote ng beer sa kanyang
noo.
Sumbong ng biktimang si Randy Ricaforte, 40 anyos
ng Cajilo, Makato, Aklan, alas dos ng madaling araw habang sya ay umiiinom sa
loob ng isang bar sa So. Lugutan, Manoc-manoc, Boracay.
Nilapitan umano ito ng isang hindi kilalang lalaki
at sa hindi malamang rason ay biglang hinampas ng bote ng beer na tumama naman
sa kanyang noo at kaliwang kilay.
Matapos ang pangyayari ay kaagad din umanong
tumakas ang suspek.
Samantala, iniimbestigahan naman ngayon ng mga taga
Boracay PNP ang nasabing kaso.
No comments:
Post a Comment