Posted August 20, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Inimbetahan sa Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan
si Provincial Administrator, Atty. Selwyn Ibarreta upang ipaalam ang status ng
proyekto sa Kalibo International Airport (KIA).
Sa ginanap na 28th SP Regular Session
kaninang umaga, pinag-usapan ang pag-imbita sa administrador na magkaroon ng
audi-video presentation at ipakita ang kasalukuyang status ng KIA gayundin kung
kailan ito matatapos.
Nabatid sa ipinasang Resolution No 147, ang pagkukumpirma
sa pagbili ng lupa sa KIA upang gamitin para sa nasabing expansion.
Nakasaad rito ang paggamit ng pondo sa pambili ng
lupa, parking area at daanan ng mga eroplano, parking area sa mga behikulo at
pagpapa-ayos at pagpapalapad sa terminal building.
Samantala, ang pag-upgrade umano ng KIA ay
pamantayan ng pagpapabuti nito at kasama sa mga prayoridad na proyekto ng
pambansang pamahalaan.
Sa ngayon, ang KIA ay tumatanggap ng mga
international flights sa iba’t-ibang mga regional flights sa Asya at inaasahang
hindi tatagal ay magiging “hub airport” na ng Air Asia.
No comments:
Post a Comment