YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, August 20, 2014

Lalaki sa Boracay, tinangkang saksakin ng dating naka-relasyon ng kanyang live-in partner

Posted August 20, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Matapos maharap sa kasong attempted homicide, nagkasundo ngayon ang dalawang panig sa nangyaring komosyon kamakailan lang sa Boracay.

Napag-alaman mula sa blotter report ng Boracay PNP na humingi ng tulong ang nagrereklamong si Rey Gavilanga, 31 anyos ng Brgy. San Jose, Binalbagan, Negros Occidental matapos na pagtangkaang saksakin ng suspek na si Regie Camilo, 41 anyos ng Fortune Town, Estefania Bacolod City at dating naka-relasyon ng kanyang live-in partner.

Ayon sa biktima, nasa loob ito ng boarding house ng kanyang live-in partner nang dumating si Camilo at biglang sinipa ang pintuan.

Nagkaroon di umano ng suntukan sa pagitan nilang dalawa hanggang sa kinaladkad ito ng suspek palabas ng nasabing boarding house subalit nakatakbo umano si Gavilanga.

Samantala, nang makarating naman sa kanilang kapitbahay malapit sa lugar ay naabutan ng suspek ang biktima at pinagtangkaang sasaksakin subalit ang tinamaan ay ang asawang lalaki ng kanilang kapitbahay.

Dahil dito, agad na nakatakas mula sa suspek ang biktima at humingi ng saklolo sa sa mga pulis.

No comments:

Post a Comment