Posted August 20, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Katunayan, muling tinalakay sa SB Session kahapon ang
Resolution No. 066 Series of 2010 para gumawa ng Ad hoc Committee para dito.
Ayon naman sa may akda ng nasabing resolusyon na si SB
Member Jupiter Gallenero.
Hinahanda na umano nila ngayon ang mga dokumento para sa
proposed cityhood ng munisipalidad ng Malay.
Paliwanag ni Gallenero, ang populasyon umano at income ng
nasabing bayan ay halos sapat na para ito’y maging isang siyudad.
Isang pag-aaral din umano ang kanilang gagawin upang
masunod ang lahat ng requirements at criteria para maging isang city ang isang
lugar.
Pwedi rin umanong basehan para dito ang turismo ng isla
ng Boracay dahil sa dinadayo ito ng daan-daang libong turista taon-taon.
Samantala, tiwala naman ang SB Malay na maisasakatuparan
ang kanilang isinusulong na resolusyon kung kaya’t puspuan din ang kanilang
pag-aaral para dito.
No comments:
Post a Comment