Posted August 22, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Isang pelican box na naglalaman ng mahigit 9 napung
libong peso ang natangay ng magnanakaw sa isang establisyemento sa Boracay.
Sa blotter report ng Boracay PNP, kinilala ang
nagrereklamong si Edwin Gomez, 35-anyos ng Puerto, Galera, Mindoro at stay-in
at staff sa nasabing establisyemento.
Basi sa salaysay ni Gomez nilagay niya umano ang pelican
box sa drawer ng kanilang shop na naglalaman ng pera na may halagang P37,348 at
apat na tseke na may halaga namang P56, 904.86 nitong nakaraang araw ng Martes.
Sinabi pa nito na sinarado niya umanong mabuti ang backdoor
ng kanilang shop bago siya natulog sa loob ng establisyemento.
Ngunit ng magising umano ito bandang alas-4 ng madaling
araw nitong Miyerkules ay nagulat nalang siyang naka bukas na ang back door ng
nasabing shop kung saan makalipas ang ilang oras ay natuklasan din ng mga ito
na nawawala na ang pelican box.
Lumabas din sa embistigasyon ng pulisya na ang nasabing
backdoor ang siyang ginamit ng magnanakaw para tangayin ang pelican box na
naglalaman ng siyam napung libong peso.
Samantala, patuloy parin ang isinasagawang embistigasyon
ng Boracay PNP hinggil sa nangyaring nakawan.
No comments:
Post a Comment