Posted August 19, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Wala pa umanong plano ang pamunuan ng Kalibo
International Airport (KIA) para sa nalalapit na APEC Summit 2015 sa Boracay.
Ito ang sinabi ni CAAP o Civil Aviation Authority
of the Philippines OIC- Manager Cynthia Aspera sa panayam ng himpilang ito.
Aniya, hindi pa umano sila nakakatanggap ng abiso
mula sa gobyerno o sa mga kinauukulan para paghandaan ang gaganaping Asia
Pacific Economic Conference sa Boracay.
Sinabi pa nito na kulang umano ang terminal area sa
nasabing paliparan kung saan ito rin sa ngayon ang kanilang binibigyan pansin.
Samantala, sakali umanong mabigyan sila ng abiso ay
nakahanda naman sila para sa inaasahang mahigit isang libong partisipante ng
APEC Ministerial meeting sa Boracay.
Napag-alaman na patuloy rin ngayon ang ginagawang
pagpapalaki ng run way ng Kalibo Airport dahil sa tuloy-tuloy na pagpasok ng International
flights.
Sa ngayon puspusan na rin ang pag-papaayos ng ibang
pasilidad dito para sa muling pagdagsa ng maraming turistang pupunta sa isla ng
Boracay dahil sa nalalapit na peak season.
No comments:
Post a Comment