Posted August 21, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Inihinto na ng Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan
ang kanilang isinagawang pagsusuri hinggil sa isang bakasyunista na ninakawan
ng cellphone sa Kalibo International Airport (KIA).
Ito’y matapos matuklasang isa sa mga staff ng
nasabing paliparan na hindi na pinangalananan ang kumuha ng cellphone ng
nasabing bakasyunista.
Kaugnay nito, ina-probahan kahapon sa isinagawang
28th SP Regular Session ang pagpapahinto sa nasabing pagsusuri
matapos na e-refer sa komitiba ng Tourism, Trade and Industry and Commerce ang
pagsasagawa ng imbestigasyon.
Samantala, nabatid na nagliwaliw sa probinsya ng
Aklan kamakailan ang nasabing bakasyunista nang mawalan ng cellphone sa KIA
habang papauwi sa kanilang lugar.
No comments:
Post a Comment