YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, August 19, 2014

Boracay Ati Community, naghahanda na rin para sa APEC Summit

Posted August 19, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Naghahanda na rin ngayon ang Boracay Ati Community para sa nalalapit na Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit na gaganapin sa isla ng Boracay.

Katunayan, ayon kay Holy Rosary Parish Project Coordinator Sister Ma. Flor Almasco.

Ilan lamang sa mga makikita ngayon sa Boracay Ati Community ang tuloy-tuloy na mga plano at programa upang mas na mapaunlad ang kanilang pamumuhay.

Ito’y dahil sa tulong na rin umano ng iba’t-ibang mga sektor at organisasyon at ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP).

Maliban sa pagdadagdag ng livelihood program, patuloy na rin umano ngayong inaayos ang paaralan at iba pang building na ipapatayo sa nasabing komunidad.

Samantala, nagpapasalamat naman ito sa mga patuloy na sumusuporta sa Boracay Ati Community.

No comments:

Post a Comment