Posted August 22, 2014
Ni Jay-ar M.
Arante, YES FM Boracay
Mahigpit ang ginagawang pagbabantay ng Brgy. Council ng
Manoc-manoc sa isla ng Boracay sa mga videoke bar sa kanilang lugar.
Ito’y matapos masangkot sa human trafficking nitong
nakaraang buwan ng Hulyo ang dalawang videoke bar sa nasabing brgy. kung saan
28 kababaihan ang nailigtas ng mga otoridad.
Ayon kay Manoc-manoc Brgy. Captain at LIGA President Abruam
Sualog, kailangan umanong masugpo ang nagsasagawa ng ganitong ilegal na gawain
sa Boracay.
Aniya, ang mga nailigtas umanong kababaihan ay agad na
dinala sa Department of Social Welfare Development (DSWD) para sa counseling.
Sinampahan na rin umano ng kasong paglabag sa Republic
Act No. 9208 ang MGA operator ng videoke bar na sangkot sa human trafficking
law sa isla ng Boracay.
Napag-alaman na 35 kababaihan ang nailigtas ng mga
otoridad sa magkahiwalay na operasyon sa Boracay kasama ang isang videoke bar
sa Brgy. Yapak.
No comments:
Post a Comment