Posted August 19, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Una rito ang nangyaring panghahablot ng cellphone
at pagtangay ng pera sa isang Spanish national na si Marc Fradera, 27 anyos ng
Barcelona Spain.
Ayon kay Fradera, madaling araw kahapon nang mahiga
ito sa beach front ng Station 1 Balabag Boracay habang hawak-hawak ang kanyang
cellphone at pitaka nang biglang nilapitan ng hindi kilalang lalaki at hinablot
ang kanyang gamit.
Nakuha umano ng suspek ang kanyang iphone 5 na
cellphone at perang 530 Euro.
Samantala, humingi din ng tulong sa Boracay PNP si
Lin We Xiang, 31 anyos, Singaporean national matapos na ninakawan din ng pera
at gamit.
Sumbong ni Xiang, naglalakad ito sa beach front
malapit sa isang resort sa Station 1 Balabag Boracay nang biglang sinunggaban
ng dalawang lalaki.
Dahil dito, nahulog di umano ang bag ni Xiang na
syang agad na pinulot at itinakbo ng dalawang suspek.
Naglalaman naman umano ito ng kanyang cellphone,
100 US Dollar at 2, 100 pesos na cash.
Nagpapatuloy ngayon ang imbestigasyon ng Boracay
Tourist Assistance Center (BTAC) hinggil sa mga nasabing insidente.
No comments:
Post a Comment