Posted August 18, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Bagamat matagal-tagal ng nakatiwang-wang ang sirang access
road papuntang Boracay PNP, sinimulan na rin ito ngayong ayusin ng LGU Malay.
Katunayan matapos ang isinagawang lay-out ng Engineering
Office ay tinambakan na rin ito ng lupa at bato para sa muling pagpapasimento
ng nasabing kalsada.
Nabatid na hinahabol rin ng LGU Malay ang magandang
panahon para sa tuloy-tuloy na proyekto bago ang peak season sa isla Boracay.
Ayon naman kay Malay Officer In-Charge Engineer Arnold
Solano, sinimulan umano ang nasabing construction matapos nilang magawa ang program
of works para dito.
Napag-alaman na marami ng reklamo ang natanggap ng LGU
mula sa mga establisyemento sa nasabing lugar lalo na sa mga dumadaan dito
dahil sa masyadong lubak-lubak at binabaha ang daan.
Samantala, ayon naman sa Department of Public Work and
High-ways (DPWH) Aklan pinaglaanan na ito ng pondo ng LGU Malay para sa mas
mabilis na pag-develop.
No comments:
Post a Comment