Posted August 21, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Patuloy parin ang ginagawang pag-aaral ng Sangguniang
Bayan ng Malay sa pag-regulate ng mga local and foreign tourguides sa isla ng
Boracay.
Ito’y matapos na muling tinalakay sa SB Session ng Malay
nitong Martes ang nasabing usapain kaugnay sa isinagawang committee hearing
para dito.
Ayon kay Manoc-manoc Brgy.Captain at LIGA President Abruam
Sualog, kamakailan lang umano natapos ang hearing tungkol dito kung saan may
kaugnayan ito sa guidelines at pag-regulate sa mga nasabing tour guides para sa
muli nilang pagkuha ng permit sa 2014.
Samantala, sinabi naman ni SB Member Rowen Aguirre na mag
a-adopt pa umano sila ng amendments kung saan pag-aaralan din ito ng proper
committees para sa proper action.
Napag-alaman na isang committee hearing ang ginawa para
dito dahil sa umano’y pang ha-harass sa mga foreign tourguides ng Tourism
Regulatory Enforcement Unit (TREU) gayon din para maiwasan ang pagkalat ng mga
illegal tourguide sa isla.
No comments:
Post a Comment