Posted
March 19, 2014
Ni Bert Dalida, Yes FM Boracay
Umabot sa P250K ang pinsalang idinulot ng sunog kaninang
umaga sa Poblacion, Malay.
Ayon kay FO1 John Henry Ildesa ng BFPU o Bureau of Fire
Protection Unit Boracay, dalawang kabahayan doon na pawang gawa sa mixed
materials ang nasunog na kaagad nirespondehan ng bombero ng Trans-Air sa
Caticlan Airport.
Totally damaged ang bahay ni Richard Oczon, habang partially
damaged naman ang bahay ni Ezequel Panagsagan Gumboc.
Base sa imbistigasyon ng BFPU, napansin umano ni Barangay
Captain Ric Calvario si Richard habang nagsisiga sa labas ng kanilang bahay,
kung kaya’t pinayuhan niya itong huwag
magsiga dahil mainit ang panahon.
Kinalauna’y nagulat na lamang ang mga residente doon nang
masunog ang bahay ni Richard nang umano’y doon naman ito nagsiga sa loob ng
kanilang bahay.
Resulta, nasunog din ang katabi nitong bahay na
pinagmamay-ari ni Ezequel.
Pansamantala namang ikinostodiya ng Malay PNP si Richard,
na sinasabing may problema sa pag-iisip, kaya nito sinunog ang bahay nila.
Napag-alamang si Richard lamang ang naiwan sa kanilang
bahay habang namamasada ng traysikel ang kanyang nakakatandang kapatid.
No comments:
Post a Comment