Posted March
20, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Malaki umano ang maitutulong para sa mga aplikanteng Aklanon
ang online application na inilunsad ng PESO Aklan.
Ito ay naging pagtaya ng Public Employment Service Office
(PESO) matapos ang kanilang ipinalabas na proseso sa mga kukuha ng NBI
Clearance.
Ayon sa PESO Office kinakailangan lamang ng isang
aplikante na magtungo sa kanilang opisina para makapag-apply sa pagkuha ng NBI
Clearance.
Nilinaw pa ng PESO na kung sakaling sila’y makapag apply
online ay maaari na silang bigyan ng endorsement letter kung saan ito nalang
ang kanilang ipapakita sa NBI Iloilo Office kasama na ang numero na ibinigay sa
kanila.
Bagamat hindi libre ang pag-apply online ay maaari lamang
silang magbayad ng isang daang peso base na rin sa ipinalabas nilang ordinansa.
Nabatid na patuloy parin ngayon ang ginagawang
pananaliksik ng provincial government sa mga gagamiting teknolohiya para sa ipapatayong
NBI Office sa Aklan.
Samantala, ang PESO- Aklan at Provincial Government ay
nakikipagtulungan sa National Bureau of Investigation (NBI) para mapadali ang
pag-apply ng clearance hanggang sa tuluyang maibalik ang NBI satellite office
sa probinsya.
No comments:
Post a Comment