Posted March 19, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Muling bibisita sa ikatlong pagkakataon ang MS Europa 2
ngayong alas 10:30 ng umaga sa isla ng Boracay.
Sakay nito ang mahigit limang daan at labing anim na mga
pasahero mula sa ibat-ibang bansa kabilang na ang tatlong daan at pitumpung mga
crew.
Una nang napabalita na nitong Marso a-bente darating ang
nasabing barko pero dahil sa ilang mga pagbabago ng schedule ay napaaga ang
pagdating nito sa Boracay.
Bagamat kukunti lang ang sakay nito, wala namang
pagbabago sa paghahandang ginawa ang provincial government at ang Department of
Tourism o DOT.
Ang MS Europa ay naunang bumisita nitong nakaraang taon
at nitong buwan ng Enero sa isla ng Boracay sakay ang mga Italian Nationals at
ilang pang foreign tourist.
Sa kabilang banda bibisitahin ng mga turistang sakay nito
ang mga souvenir shops, long beach area, maging ang Boracay Ati Village at
mag-a island hopping.
Samantala, darating ang naturang barko alas 10:30 ng
umaga at aalis naman bandang alas-siyete ng gabi patungo sa kanilang susunod na
destinasyon.
No comments:
Post a Comment