Posted March 22, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Photo credit by senyorlakwatsero.com |
Ayon kay Special Operation III Jean Pontero ng Caticlan
Jetty Port, ito ay base sa kanilang naitalang record simula ng pumatak ang
taong 2014 hanggang ngayong kalahating buwan ng Marso.
Sa kabuuang bilang umabot ng 122, 629 ang mga turistang
pumunta sa Boracay nitong Enero habang 118, 096 naman Pebrero at 83, 679
ngayong kalahating buwan ng Marso.
Samantala, nangunguna ngayon ang Chinese tourist sa mga
foreign arrivals sa Boracay na sinundan ng South Korea at pangatlo ang Taiwan.
Dagdag pa ni Pontero malaking tulong umano ang pagbisita
ng mga cruise ship sa Boracay kung saan nagdadala ito ng maraming turista sa
isla na siyang nakakadagdag sa kanilang tourist arrival target.
Dahil dito tiwala naman ang Jetty Port Administration at
ang Department of Tourism o DOT na maaabot nila ang kanilang target na 1.5
tourist arrival ngayong taong 2014.
Sa kabilang banda dalawang cruise ship na naman ang
inaasahang bibisita sa isla ng Boracay ngayong unang linggo ng Abril.
No comments:
Post a Comment