Posted March 21, 2014 as of 6:00 in the afternoon
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Nagpaalala ngayon si Life Guard Supervisor Mike
Labatiao sa mga divers sa Boracay na sumunod sa tamang diving procedure.
May iilan parin umano kasing mga divers ang pasaway
sa isla kung saan hindi sumusunod sa tamang proseso na minsan ay ikinapapahamak
ng ilang mga turista.
Ayon kay Labatiao dapat na kumpleto ang diving
equipment ng isang diver at dapat sundin kung ano ang nakasaad sa standard
operating procedure.
Mayroon umano kasing ilang diver na walang relo,
compass, survival balloon at iba pang gamit kaya’t iniisyuhan rin ng violation.
Samantala, payo naman nito sa mga divers na sundin
nalang ang mga paalala para masiguro na rin ang kaligtasan ng mga turista sa
Boracay, lalo na’t isa ito sa mga itinuturing na isa sa mga pinakamagandang
isla sa mundo.
No comments:
Post a Comment