Posted March 18, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Humingi ng tulong sa mga pulis ang 57 anyos na
Swiss national matapos umanong pinaghahampas ng PVC tube ng kanyang live-in
partner na pinay.
Ayon sa blotter report ng Boracay PNP station,
nagalit umano ang live-in partner na pinay matapos na hindi nasalo ng mister
ang isang taong gulang nilang anak nang mahulog habang naglalaro sa kanilang
balkonahe.
Subalit, katwiran naman ng mister hinabol nito ang
anak pero nabigong saluhin dahil sa biglang sumakit ang kanyang kaliwang paa
dulot na rin ng ilang pasa na sya ring gawa ng kanyang misis.
Ayon pa sa blotter report, sinabi din ng
nagpasaklolong Swiss national na nabigla na lamang umano ito nang dumating sila
sa kanilang bahay galing sa ospital kung saan kumuha ng isang PVC tube ang
kanyang live – in partner at pinaghahampas ito.
Kaya’t agad umano itong tumakbo at humingi ito ng
tulong sa mga taga Boracay PNP station.
No comments:
Post a Comment