Posted March 20, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Inanyayahan ngayon ng Department of Environment and
Natural Resources (DENR) Aklan ang publiko na makiisa sa “Earth Hour” ngayong
taon.
Ayon kay DENR Aklan Administrative Officer IV Merlita
Ninang, layon ng Earth Hour ang maimulat ang lahat hinggil
sa lumalalang problema ng climate change at patuloy na maprotektahan ang
kalikasan.
Samantala, ang “Earth Hour” ay lalahukan din ng
iba’t-ibang mga bansa sa buong mundo sa darating na Marso 29, araw ng Sabado.
Ang inisyatibo ay tumutukoy sa pagpapatay ng mga
ilaw ng isang oras na magsisimula ng alas otos y medya ng gabi hanggang alas
nueve y medya ng gabi sa Pilipinas.
Nabatid rin na ang “Earth Hour” ay hindi lang sa
pagpapatay ng ilaw kundi sa pag-off rin ng mga gadget, gaya ng cellphone at iba
pang mga kagamitang pambahay na gumagamit ng enerhiya.
No comments:
Post a Comment