Posted
March 22, 2014
Ni Jay-ar M.
Arante, YES FM Boracay
Maaaring maging
isang ganap na batas ang paggamit o pagsuot ng floater sa paliligo sa karagatan
ng Boracay.
Ito’y sakaling
matuloy ang binabalak na pagdulog ni Life Guard Supervisor Mike Labatiao sa Sangguniang
Bayan ng Malay kaugnay nito.
Aniya, ang
paggamit ng floater sa dagat ay hindi isang magandang paraan kung saan
nagdudulot pa ito ng piligro sa mga naliligo.
Isa sa
kinababahala nito ay ang mga batang kalimitang nagsusuot ng floater kapag nag
swi-swimming sa dagat na inaaakala nilang ligtas gamitin.
Kabilang pa umano
sa mga kailangang ipagbawal ay ang mga salbabida na pangbata na sadyang hindi puwedi
sa dagat ng walang nagbabantay.
Suhestisyon ni
Labatiao, ang mga ganito aniyang bagay ay dapat ginagamit lamang sa ligtas na
lugar katulad ng swimming pool kung saan hindi ligtas ang tubig.
Samantala, bago
paman umano ito maging ganap na batas ng LGU Malay, kinakailangan aniyang
gabayan ng kanilang mga magulang ang kanilang mga anak na gumagamit nito para
makaiwas sa anumang disgrasya.
Bagamat todo
alerto ang ginagawang pagbabantay ng Life guard personnel sa front beach ng
Boracay hindi parin maiwasan na mayroong mangyaring insedente katulad ng
pagkalunod dahil na rin sa mga pasaway na naliligo na hindi marunong sumunod sa
kanilang mga paalala.
No comments:
Post a Comment