Posted March 21, 2014 as of 12 noon
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Inilipat ngayon sa isang ospital sa bayan ng Kalibo
ang lalaking Arabian national matapos na umano’y binato ng botelya sa isang bar
sa Boracay.
Ayon sa blotter report ng Boracay PNP Station,
nakilala ang biktima na si Mohammad Abdullah Khou ng Saudi Arabia.
Lumalabas sa imbestigasyon na bandang ala una
kanina ng madaling araw nang magkagulo sa isang disco bar sa Balabag, Boracay
kung saan isang hindi kilalang suspek ang bumato ng botelya sa biktima.
Ayon pa sa report, nagulat na lamang di umano ang
iba pang mga guest doon nang makita ang duguang Arabo, kaya’t agad din umano
itong tinulungan at dinala sa ospital.
Subalit dahil sa sentido ang tama nito at hindi
tumitigil sa pagdurugo ang sugat sa kaliwang tenga ay mas minabuti itong dalhin
sa isang ospital sa Kalibo para sa kaukulang medikasyon.
Nagpapatuloy naman sa ngayon ang imbestigasyon ng
mga kapulisan tungkol sa nasabing insidente.
No comments:
Post a Comment