Posted March 19, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Aminado ngayon ang Malay PNP na kulang parin sila sa
tauhan lalo na at dadagsa na naman ang maraming turista ngayong summer season sa
Boracay.
Ayon kay SPO1 Ben Estuya ng Malay PNP, magiging maganda
sana umano kung may idadagdag na pulis sa kanilang hanay, ngunit limitado rin raw
ito ng Aklan PPO dahil sa nanganagilangan din ang ilang bayan sa Aklan.
Magkaganon paman sinabi nito na mama- maximize parin nila
ang kanilang police visibility sa tulong na rin ng force multipliers na
kinabibilangan ng Malay Auxiliary Police, Maritime command, Philippine Coastguard
at Philippine Army na nagresulta ng mas magandang pwersa sa Caticlan Jetty port
.
Samantala, kung pagbabasihan naman umano ang police to
population issue na one is to 500 ay kukulangin parin sila ng lima o anim na
personnel.
Sa ngayon ng aantay parin ang Malay PNP ng mandato mula
sa Aklan Police Provincial Office, maging sa kanilang Regional Office kung
kailan sila mabibigyan ng karagdagang police.
No comments:
Post a Comment