(Update from SP
Secretary Odon Bandiola, as of 2:30 pm March 19, 2014)
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ito ang kinumpirma ni SP Secretary Odon Bandiola
kaugnay sa kahilingan ng mga stake holders sa Malay at Boracay na i-reschedule ang
public hearing para sa Base Market Values.
Pinalilipat kasi ng mga ito ang venue o lugar at
ang petsa ng public hearing, upang mas marami umano ang makaalam.
Ang nasabing pagpupulong ay tungkol sa
binabalangkas ng Aklan Provincial Government na 2015 General Revision of Real
Property Assessment o bagong halaga sa bayarin ng buwis.
Nakasaad sa Section 219 ng Local Government Code o
base sa Republic Act No. 7160, na dapat magkaroon ng general tax revision of
real properties ang local na pamahalaan kada tatlong taon.
Samantala, nabatid na iba’t-ibang public hearing na
rin ang isinagawa ng provincial government sa iba’t-ibang bayan para sa
nasabing rebisyon.
Dagdag pa nito na ang mga buwis na manggagaling sa
mga real properties base sa isinasaad ng bagong base market values at mapupunta
sa Special Education Fund (SEF) construction and repair of public buildings at
marami pang iba.
Matatandan namang nadismaya ang mga stakeholders
dito dahil sa hindi umabot sa 50 porsyento ang dapat na makibahagi sa nasabing
pagpupulong nitong nakaraang linggo.
No comments:
Post a Comment