Posted March 20, 2014 as of 7:00 in the morning
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Mangiyak-ngiyak na humingi ng tulong ang isang
Ukrainian National sa Boracay PNP station matapos mabiktima ng kawatan sa
Boracay.
Ayon sa salaysay ng biktima sa kapulisan na si
Maksim Ohurtsov, 35- anyos ng Dnipropetrovsk, Ukraine.
Mag-aalasingko ng hapon kahapon di umano nang
magdesisyon itong ipatong muna ang kanyang short pants sa taas ng malaking
coral habang naliligo sa So. Din-iwid Balabag Boracay.
Nang ilang sandali pa, makalipas ang ilang oras na
paliligo ay sinuri nito ang kanyang mga gamit, saka nalamang nawawala na ang
kanyang dalawang cellphone, private bank card at pera na nagkakahalaga ng apat
na libong piso.
Ayon pa sa biktima na habang naliligo umano ito ay
may napansin syang isang hindi kilalang babae malapit sa lugar ang tila
malisyosong tinitingnan ang kanyang gamit na nakapatong sa itaas ng malaking
coral.
Sinasabi rin ng mga nakasaksi doon na posibleng ang
hindi kilalang babae ang dumikwat sa pera at gamit ng turista kung saan nakita
umano itong lumapit sa pinagpatungan ng gamit ng biktima.
Nagpapatuloy naman sa ngayon ang imbestigasyon ng
Boracay PNP Station hinggil sa nasabing kaso.
No comments:
Post a Comment