Posted March 21, 2014 as of 6:00 in the afternoon
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
May kahigpitan at balanse.
Ganito ilarawan ni Boracay Island Chief Operations Officer (BICOO) Glenn Sacapaño ang pagpapatupad sa mga batas at ordinansa sa isla ngayong
summer.
Ito’y upang mapangalagaan ang kapakanan ng nakararaming turista at
hindi ang interes ng iilan lamang.
Aminado kasi si Sacapaño na nais lamang kumita ng lahat sa isla tuwing
peak season sa pamamagitan ng iba’t-ibang events dito.
Subali’t dahil nagkaproblema umano ang mga resort sa ingay na idinudulot
ng mga nasabing events, kung kaya’t kailangan na rin aniyang ayusin ng LGU
Malay ang pagpapatupad ng mga batas sa isla, partikular na ang tungkol sa 25+5
m easement set back.
Dagdag pa ni Sacapaño na maaaring madismaya ang mga turista sakaling puro
na lamang events ang Boracay.
Samantala, umaasa naman ang nasabing administrador na magiging maganda
ang impresyon ng mga turista sa isla ngayong summer.
No comments:
Post a Comment